Sword Art Online:Tomo 1 Kabanata 4

From Baka-Tsuki
Jump to navigation Jump to search

Kabanata 4[edit]

Isang buwan sa loob ng laro, dalawang libo na ang namamatay.


Naglaho na rin ang pag-asang may tulong na manggagaling sa labas; walang ni isang mensahe ang nakarating sa amin.


Hindi ko man nakita, pero nakarating sa akin na grabe ang sindak at nawala ng katinuan ng mga manlalaro nang ma-realize nila na hindi na talaga sila makakabalik. May mga umiyak at pumalahaw, at ang ilan ay sinbukang maghukay sa siyudad habang sinasabi na sisirain nila ang mundong ito. Pero syempre, lahat ng gusali dito ay mga bagay na hindi nasisira. Kaya walang pinatunguhan ang kanilang mga aksyon.


Ilang araw bago matanggap ng mga manlalaro ang sitwasyon at saka lang sila nagsimulang mag-isip kung anong hakbang susunod nilang gagawin.


Nahati ang mga manlalaro sa apat na malalaking grupo.


Ang unang grupo ay binubuo ng kalahati ng bilang ng mga manlalaro; sila ‘yong mga hindi matanggap ang mga kondisyon ni Kayaba Akihiko at patuloy na naghihintay sa tulong na manggagaling sa labas.


Naiintindihan ko ang kanilang iniisip. Nakahiga sa kama o kaya naman naka-upo sa upuan ang kanilang katawan na marahil ay himbing na natutulog. Iyan ang reyalidad para sa kanila at ang sitwasyong ito ang peke. Iniisip nila na meron pang kahit maliit na paraan para makalabas. Bagaman nawala ang log out button, pero maaaring may bagay pa na nakatakas sa paningin ng mga may gawa ng laro—


At sa labas, ang kumpanyang Argus na nagpapatakbo ng laro, ay sinusubukan ang lahat para mailigtas ang mga manlalaro—kung makakapaghintay lang sila, magagawa rin nilang imulat ang mata, magkaroon ng masayang reunion sa kanilang pamilya at makabalik sa eskwela o trabaho at ang lahat ng ito ay isa na lamang bagay na mapapag-usapan nila—


Hindi naman kawalan ng saysay ang mag-isip ng ganito. Sa tingin ko, maging ako sa kaibuturan ng aking pagkatao ay umaasa din ng ganoon.


Ang plano ng unang grupo na gawin ay ang maghintay. Ni hindi sila sumubok na humakbang kahit isa sa labas ng siyudad at gamitin ang kanilang pera—“coll’ ang tawag sa pera sa mundong ‘t—at binibili lang nila ang pagkain na sapat para mamuhay sa araw na iyon at maghanap ng mumurahing hotel para matulugan, at mamasyal sa palibot nang walang anumang iniisip.


Mabuti na lang ang Starting City ay isang siyudad na sinasakop ang dalawampung porsyento ng kabuuan ng first floor. Malaki ito na kayang pagkasyahin ang Tokyo District. Kaya naman may sapat na lugar ang limang libong manlalaro para mamuhay.


Pero wala pa ring tulong na dumarating kahit gaano katagal pa silang maghintay. Sa ibang araw, ang langit ay hindi ganoon kaaliwalas at nababalutan ng itim na ulap. Ang kanilang pera ay mauubos at mauubos at na-realize nila na kailangan na nilang kumilos.


Ang pangalawang grupo ay binubuo naman ng tinatayang trenta porsyenta, o tatlong libong manlalaro. Grupo ito kung saan ang mga manlalaro ay nagtutulungan. Ang lider nito ay isang admin ng pinakamalaking online game info site.


Ang mga manlalaro na kabilang sa grupo ay hinahati-hati sa iba’t-ibang maliliit na grupo. Anuman ang kanilang makuha at makolektang impormasyon sa laro ay kanilang pinamamahagi sa bawat isa. Pinapadala din sila para suyurin ang mga pasikot-sikot at nakakalitong mga daanan kung saan naroon ang mga hagdanan paakyat sa susunod na palapag. Ang Black Iron Castle ang ginawang base ng operasyon ng mga lider ng grupo at doon din nanggagaling ang mga utos para sa iba’t-ibang grupo nila.


Wala pang pangalan ang malaking grupo na ‘to. Pero pagkatapos matanggap ng mga miyembro nito ang kanilang mga uniporme, may isang tao ang nagbinyag sa kanila, kahit nakakatakot, ng pangalang “The Army”.


Ang ikatlong grupo naman ay binubuo ng, tumatayang libong manlalaro. Kinabibilangan ito ng mga taong inaksaya ang kanilang coll pero ayaw namang lumaban sa mga halimaw para magka-pera.


Merong dalawang uri ng pangangailangan ang katawan dito sa SAO. Ang una ay pagod at ang pangalawa ay gutom.


Ang mga manlalaro na naglustay ng kanilang pera sa simula pa lang ng laro, yung mga hindi makatulog at makakain, ay karaniwang sumasali sa malaking organisasyon kagaya ng “The Army”. Dahil na rin siyempre nakakatanggap sila ng makakain kahit papaano sa pagsunod nila ng utos mula sa taas.


Pero meron namang ilan na hindi nakikipagtulungan kahit ano pa ang gawin nila. Yung mga taong ayaw sumali, o kaya naman ay napatalsik dahil sa panggugulo, ay napapadpad sa patapong lugar sa Starting City at kanilang nagiging base para sa kanilang pagnanakaw.


Sa loob ng siyudad, o lugar na kilala sa tawag na «Safe Areas» ay pinoprotektahan ng system kung saan ay hindi magkakasakitan ang mga manlalaro. Pero hindi ganoon ang sitwasyon sa labas. Gumagawa ang mga palaboy ng grupo sa kapwa nila palaboy at saka mananambang ng ibang manlalaro—na mas malaki naman ang kita kompara sa paghahanap ng halimaw—sa labas o kaya sa mga masusukal na lugar.


Kahit ganoon, wala pa naman silang pinapatay—at least noong unang mga taon.


Unti-unti lumakas ang grupong ito hanggan sa maabot nila ang bilang na libo.


Ang huli, ang pang-apat na grupo, sa madaling salita, ay ang mga natitira.


Limampung organisasyon ang binuo ng mga taong gustong tapusin ang laro ngunit hindi sumali sa mga malalaking organisasyon. Umaabot sila ng limang daan. Tinatawag namin ang mga gropung ‘to na “Guild” at meron silang bilis na wala ang “The Army”; at gamit yun, patuloy silang lumalakas.


Meron ding ilan na piniling maging mangangalakal at maging panday. Umaabot lang ang bilang nila sa dalawa o tatlong daan, pero bumuo din sila ng kanilang guilds at sinimulan hasain ang kanilang kakayahan para kumita ng Coll na kailangan nila para makaraos.


At ang natitira, na nasa isang daan ang bilang, ay tinatawag na “Solo Players”—ito ang grupo kung saan ako kabilang.


Sila ang mga makasariling grupo na nagpasya na kumilos ng mag-isa dahil mas makakabuti iyon para sa pagpapalakas ng kanilang mga sarili at manatiling buhay. Gamit ang mga impormasyon na nakuha nila, magiging mabilis ang pagtaas ng kanilang level. Pagkatapos makuha ang lakas para labanan ang mga halimaw at bandido sa sarili lang nila, wala nang saysay pa para lumaban sa kapwa mga manlalaro.


Isa sa mga tampok sa SAO ay pag-alis ng “Mahika”; sa ibang salita, walang “malalayong atake na may isandaang posyento ng accuracy rate” na makakaya ng mag-isa na labanan ang grupo ng mga halimaw. Kung meron kang sapat na kakayahan, mas epektibo ang paglalaro ng mag-isa kung experience points ang pag-uusapan kumpara kung makiki-grupo ka.


Siyempre, hindi mawawala ang panganib. Halimbawa, kung mapaparalisa ang isang tao at kung may mga ka-miyembro siyang kasama, mabibigyan siya agad ng gamot. Pero kung isang tao ay naglalaro ng mag-isa, maaring humantong ‘yun sa mabilis na kamatayan. Ang totoo, sa simula pa lang, ang mga solong manlalaro ang may pinakamataas na antas ng pagkamatay sa lahat.


Pero kung meron kang karanasan at talino para malampasan ang panganib, meron namang mas mataas na gantimpala kapalit niyon, at ang mga beta tester, kabilang na ako, ay meron nang dalawang iyon.


Hawak ang ganitong impormasyon, napakabilis ang pag-level up ng mga solo players, at sa madaling panahon, malaki ang naging agwat namin sa iba. Pagkatapos na bahagyang humupa ang laro, halos lahat ng solo players ay umalis sa first floor at ginamit ang mga siyudad sa matataas na palapag bilang kanilang base.


Sa loob ng Black Iron Castle, kung saan naroon ang “Silid ng mga muling nabuhay” noong beta testing, nakatayo ngayon ang malaking munumentong bakal na wala noong beta testing. Ang mga pangalan ng sampung libong manlalaro ay naka-ukit doon. At makikita sa ang linya sa mga pangalan ng mga manlalarong namatay na, naroon maging ang oras at dahilan ng kamatayan.


Pagkatapos ng tatlong oras sa laro, lumabas doon ang unang tao na makakakuha ng karangalan na ma-guhitan ang pangalan.


Hindi pagkatalo sa halimaw ang dahilan ng kanyang kamatayan. Nagpakamatay siya.


Naniniwala siya sa teorya na “ayon sa pagkakabuo ng Nerve Gear, kung ang isang tao ay madidiskonekta sa system ay agaran na mababawi niya ang kamalayan.” Umakyat siya bakal na bakod sa dulong hilaga ng siyudad, o sa gilid ng Aincrad at saka tumalon.


Sa ilalim ng lulumulutang na kastilyo na Aincrad, walang anumang lupa na makikita, kahit anong aninag pa ang gawin mo. Ang meron lang ay walang hanggan na may mga pating patong na putting ulap. Habang pinapanood siya ng di mabilang na manlalaro, paliit ng paliit ang lalaki sa paningin, nag-iwan ng mahabang sigaw at hanggan sa nawala na sa mga ulap.


Ang maikling linya ay walang awang gumuhit sa pangalan ng lalaki sa loob lamang ng dalawang minuto. Ang dahilan ng kamayatan ay “pagkahulog sa gitna ng kalangitan” Ayokong ma-imagine kung ano ang dinaanan niya sa loob ng dalawang minutong iyon. Walang makakaalam kung nakabalik siya sa totoong mundo o—gaya ng sinabi ni Kayaba—na-sunog ang kanyang utak. Pero, naniniwala ang lahat na kung meron mang simpleng paraan para makatakas sa laro, matagal na sanang hinugot nila ang saksakan at iniligtas sila.


Pero may iilan pa rin ang bumibigay sa madaling paraan ng pakikitungo sa ganitong bagay. Halos lahat, kabilang ako, mahirap na matanggap ang “Kamatayan” sa SAO bilang isang reyalidad.


Hindi pa rin sila nagbago. Ang palatandaan ng pagkaubos ng HP bar at pagkapira-piraso ng ating katawan sa maliliit na polygons ay katulad pa rin ng “Game Over” na pamilyar sa aming lahat. Isa lang ang paraan para maintindihan namin ang totoong kamatayan sa SAO ay ang maranasan ito mismo. Ang nakakapanghinang katotohanan na ito ay rason kung bakit pakonti ang pagbawas ng mga manlalaro.


Sa kabilang banda, madami sa mga manlalaro na parte ng “The Army”, lalo na yung mga nasa unang grupo, ay nagsisimula nang mabawasan habang sinusubikan nilang tapusin ang laro at labanan ang mga halimaw.


Sanayan lang ang labanan sa SAO. Katulad lang ito ng pagpwersa mo sa sarili na gumalaw pero ipapagkatiwala mo na sa system ang ang iyong magiging galaw.


Kung sa simpleng uppercut gamit ang one-handed sword, kung ang manlalaro ay napag-aralan ang “One-handed Sword Skill” at kinasangkapan ang “Uppercut” mula sa listahan, ang kailangan lang niyang gawin ang unang paggalaw; ang system na ang awtomatikong magpapagalaw sa kanilang katawan. Pero kung may gagaya ng galaw ngunit walang skill na katulad niyon, magiging mabagal iyon at mahina kung gagamitan sa aktwal na labanan. Parang maglalagay ka lang ng utos sa isang laro ng pakikipaglaban.


Ang mga taong hindi nakakapag-adjust sa ganito ay basta na lamang nilang winawasiwas ang kanilang espada at natatalo pa ng mga baboy ramo at lobo na kaya naman nilang matalo kung gagamitin lang nila ang pang-isang atake na nasa kanila. Kahit ganoon pa, kung susuko lang sila at tumakbo matapos mabawasan ang kanilang HP, hindi sila mamatay pero—


Hindi katulad ng atake sa mga 2D na halimaw na nakikita sa monitor, ang mga laban sa SAO ay totoong-totoo na makakaramdam ka ng takot. Para bang totoong halimaw na nakalabas ang mga ngipin ang nasa harap mo at hinahabol ka na may intensyon na patayin ka.


Kahit pa noong beta testing, may mga mangilan-ngilan na nagpa-panicked sa gitna ng laban, pero sa ngayong sitwasyon kamatayan ang kapalit kapag natalo ka. Nakalimutang gamiting ng mga gulat na gulat na mga manlalaro ang kanilang skill at nagtatakbo pa; nawala ang HP nila at tuluyan na silang napa-alis sa mundong ‘to.


Pagpapakamatay, pagkatalo sa mga halimaw. Nakakatakot ang mabilis na pagdami ng mga pangalan na naguguhitan.


Nang umabot iyon sa dalawang libo, isang buwan sa loob ng laro, binalot ng kawalan ng pag-asa ang mga natitirang manlalaro. Kung patuloy na mauubos ang mga manlalaro ng ganito kabilis, lahat ng sampung libong manlalaro ay mamamatay sa loob ng kalahating taon. Parang panaginip na lang na matapos at malinis ang isandaang palapag.


Pero—kayang makibagay ng mga tao.


Pagkalipas ng isang buwan, ang unang kasukalan ay nalinis at ang bilang ng mga namatay ay unti-unti na ring bumabagal. Nagsimulang ipakalat ang mga impormasyon para mabuhay. At halos lahat ang tingin sa halimaw ay hindi naman ganoon nakakatakot kung makakakuha ka ng sapat na experience points at maayos na mag-level up.


Posible ng malinis at matapos ang laro at makabalik sa totoong mundo. Ang bilang ng mga manlalaro na nag-iisip ng ganoon ay patuloy bagaman pa-unti-unti ang kanilang pagdami.


Malayo pa ang pinakamataas na palapag, pero ang manlalaro ay kumikilos na may malabong pag-asa—at ang mundo ay muli na namang umikot.


Ngayon, pagkalipas ng dalawang taon at dalawampu’t anim na palapag ang natitira, ang bilang ng mga nakaligtas ay nasa anim na libo.


Iyan ngayon ang kasulukuyan sitwasyon sa Aincrad.



SWORD ART ONLINE


MoniqueVelasco, Wattpad

ironB

Bonitz








Bumalik sa Kabanata 3 Ugat na Pahina Pumunta sa Kabanata 5