Suzumiya Haruhi:Tomo1 Kabanata3

From Baka-Tsuki
Jump to navigation Jump to search

Status: Incomplete

20% completed (estimated)

   

Bunsod ng pamosong pangyayari na may kaugnayan sa kasuotang bunny-girl, naging bukambibig si Asahina-san hindi lamang sa bayan kundi maging sa paaralan din. Matapos lumiban ng isang araw, buong tapang siyang bumalik sa silid ng club.

Dahil nga wala pang matinong mga aktibidades ang aming club, dinala ko ang larong Othello na matagal nang natambak sa aming bahay dahil sa limot, at nakipaglaro ke Asahina san habang nakikipag-usap sa kanya.

Tapos ko na ang website ngunit wala namang kwenta dahil wala namang bumibista dito at ni hindi pa to nakatatanggap ng isang email. Yung computer naman ay nagagamit lang para mag-surf ng internet. Kung malalaman ito ng mga miyembro ng Computer Club, tiyak na maiiyak ang mga ito.

"Mukhang natatagalan si Suzumiya-san" ang marahang sambit ni Asahina-san habang nakatingin sa laro.

Nakahinga ako nang maluwag nang makita kong di siya naapektuhan sa nangyari noon. Kahit ano mangyari, ang makasama ng isang magandang babae na mas matanda sa yo ng isang taon ay talagang nakakakilig.

"Merong darating ngayon na estudyanteng bagong lipat. Sigurado ako hinahanap niya ito ngayon."

"Bagong-lipat?"

Parang isang ibong, inangat ni Asahina-san ang kanyang mukha.

"Na-excite si Haruhi nung narinig niya na may lilipat na estudyante sa Class 1-9. Mukhang gusto niya talaga ang mga bagong estudyante!"

Nilagay ko ang isang itim na piyesa sa laro at binaligtad ang mga puting piyesa."

"Ah talaga..."

"Oo nga pala, Asahina-san, di ko inisip na darating ka ngayon!"

"Ano... nag-isip din ako pero dahil nag-aalala ako, sa huli ay pumunta rin ako."

San ko nga ba narinig na sinabi mo un?

"Bakit ka nga pala nag-aalala?"

Plak! Binaligtad niya ang mga piyesa ng laro gamit ang malilit niyang mga daliri.

"Um... wala naman."

Sa aking pagtalikod ay napansin kong nakamasid si Nagato sa laro. Ang kanyang mukhang di maaninanagan ni katiting na emosyon ay tulad ng sa isang manyika pero ang kanyang mga mata ay may isang tingin na noon ko lamang nakita.

"..."

Ang kanyang tingin ay parang bagong panganak na kuting na nakakita ng isang aso sa unang pagkakataon. Sinundan ko ang tingin niya sa aking kamay na hawak-hawak ang piyesa.

"... Nagato-san, gusto mong maglaro?"


Matapos kong sabihin iyon, parang robot na kumurap ang mga mata ni Nagato, at sa pagkamumunting paraan na di mo mapapansin kung hindi nakatoon ang inyong atensyon, ay mayuming tumango. Kaya naman nakipagpalit ako ng upuan ke Nagato at umupo sa tabi ni Asahina-san.

Pinulot ni Nagato ang isang piyesa at masidhing pinag-aralan ito. Nang matuklasan niyang magdidikit ang mga piyesa dahil sila ay magnetic, binawi niya ang kanyang mga kamay na para bang siya ay natakot.

"Nagato-san, nakapaglaro ka na ba ng Othello dati?"

Dahan-dahan siyang umiling.

"Alam mo ba kung pano ito laruin?"

Ang kanyang sagot ay hindi.

"Kita mo kasi, dahil ang hawak mo ay itim, ang layunin mo ay mapalibutan ang mga puting piyesa ng itim na piyesa. Tapos babaligtarin mo ung mga napalibutan na puting piyesa para maging itim din sila. Sa huli, kung sino ang mayroong mas maraming piyesa, siya ang panalo."

Tumango siya. Tapos noon, ay mayumi niyang inilapag ang mga piyesa sa laro, kahit hindi mejo alangan siya sa pagbabaligtad ng piyesa ng kalaban.

Matapos mapalitan ang kanyang katunggali, parang mas nabahala si Asahina-san. Napansin kong nagsimula nang manginig ang mga daliri ni Asahina-san at ni hindi niya iniaangat ang kanyang mukha upang tumingin ke Nagato. Paminsan-minsan ay sumisilip siya ke Nagato ngunit mabilis at agad din namang ibabaling ang tingin, na malimit niyang ginawa. Sa huli ay malamang na di na talaga makatutok si Asahina, kung kaya't ang itim ay nagsimulang magpunyagi sa laro.

Bakit kaya? Mukhang ilag talaga si Asahina-san ke Nagato, di ko nga lang mawari kung ano ang dahilan.

Di naman nagtagal at kitang-kita na nanalo na ang itim. Habang nagsisimula ang dalawa ng isang bagong laro, ang may pakana sa lahat ng kaguluhan ay bumalik kasama ang isang bagong isasakripisyo.

"Kumusta, pasensya sa paghihintay."

Kaswal na bati sa min ni Haruhi habang hila-hila ang manggas ng isang lalaking estudyante.

"Siya ang bagong lipat sa Unang Taon Ikasiyam na Klase, ang pangalan niya ay..."

Biglang tumigil si Haruhi at tumingin na para bang nagsasabing "ikaw naman". Bumaling sa amin ang isasakripisyo at ngumit.

"... Koizumi Itsuki, ikinagagalak ko kayong makilala."

Dahil sa balingkinitan pangangatawan, nagbibigay siya ng impresyon ng isang malakas na binata. Isang malugod na ngiti, mababait na mata at guwapong mukha. Kung aasta siya tulad ng isang modelong nakikita sa mga polyetong ipinamimigay ng mga pamilihan, tiyak na magkakaroon siya ng maraming tagahanga. Kung mabait siya ay siguradong mas magiging popular pa siya.

"Ito ang silid ng SOS Brigade Brigade club. Ako ang komandante, si Suzumiya Haruhi. Ito ang mga Alipores Isa, Dalawa, at Tatlo. Oo nga pala at, ikaw ang Ikaapat, tatandaan nyong dapat magkasundo lagi.

Anong ba namang klaseng pagpapakilala yun? Ang nabanggit lang na mga pangalan ay yun sa iyo at sa kanya!

"Ayos lang sa aking sumali."

Si Koizumi, ang bagong lipat na mag-aaral, ay magiliw na ngumiti:

"Pero anong uri nga pala ito ng club?"

Kung merong isang daang tao dito, tiyak na pareho lang din ang kanilang itatanong. Marami nang taong lumapit sa akin na nagtatanong din nun, ngunit di ko mahanap ang isasagot sa kanila. Kung bihasang masasagot iyon ng kahit sinuman, ay talagang isa siyang matinik na manloloko.Parang di naman nag-aalala so Haruhi, masayang ngumiti pa ito at nagwika:

"Hayaan mong sabihin ko sa iyo ang misyon ng SOS Brigade, makinig at mamangha...!"

Dahan-dahang huminga si Haruhi, bago madamdaming hinayag ang nakakagulat na katotohan.

"Ang misyon ng SOS Brigade ay hanapin ang mga aliens, time travelers at espers upang makisalamuha kasama sila!"

Tumigil ang buong mundo sa sandaling ito.

...Hindi maari. Isa yang kalokohan, ang tanging pumasok sa aking isipan ay "Hindi na nakakagulat." Pero mukhang hindi ito ang naisip nung tatlo pang nakarinig.

Napatanga si Asahina-san, lumaki ang kanyang mga mata at tainga at tinitigan lang ang maligayang Haruhi. Ganoon din si Nagato Yuki, pagkatapos ikutin ang ulo sa direksyon ni Haruhi, bigla na lang siyang tumigil na parang nawalan ng baterya. Ang ikinagulat ko ay lumaki ng kaunti ang mata ni Nagato.