My youth romantic comedy is wrong as I expected v1 Prologo

From Baka-Tsuki
Jump to navigation Jump to search

[edit]

"Pagbabalik-tanaw sa Buhay ng Hayskul"

ni Hachiman Hikigaya, seksyon 2-F

YahariLoveCom v1-011.png

Ang "pagkabata" ay pawa kasinungalingan- isang uri ng kasamaan.

Ang mga nabibighani nito ay patuloy na niloloko kapwa ang sarili at mga taong nakapaligid sa kanila. Nakikihalubilo sila sa maraming tao, at nagpapakasawa sa positibong pahayag ng iba. Kahit ang ilang malaking pagkakamali, o tulad ng nabanggit, ay maaring maging patunay ng sariling kabataan- lahat ng ito ay nakaukit sa iisang pahina ng sariling memorya.

Ilang halimabawa ay kinakailangan.

Ang aksyon ng kabataang kasangkot sa, sabihin nating, pangungupit o malawakang paggugulo ay maaring tawaging "kaukulangan ng mabuting pasya ng isang kabataan".

Pagkatapos bumagsak sa pagsusulit, ang kabataan ay magsasabi na, "ang paaralan ay isang lugar upang mag-aral, wala nang iba pa".

Sa paningin ng "kabataan", sila ay may kakayahan ibaluktot ang mga karaniwang paniniwala o kaugalian ng lipunan. Sa kanila, kasinungalian, sikreto, krimen, at kahit kabiguan ay pampalasa lamang ng "pagkabata". Ang lahat ng kanilang kakulangan o kasamaang kanilang ginagawa ay pawa eksepsyon. Samantala, habang kanilang isinisisi ang kanilang mga pagkakasala sa kanilang pagkabata, tinatawag nila ang mga ibang taong gumagawa ng kaparehong pagkakasala na hindi ito dahil sa pagkabata, ngunit ito'y dahil sila'y isang kabiguan.

Ipagpapalagay na ang kabiguan ay isang proweba ng sariling pagkabata, edi dapat ay ginagawa nitong yung mga taong nabigo magkaroon kaibigan ay ang mismong diwa ng pagkabata, sarili nila? Lahat sila ay puno ng dalawang pamantayan.

Dahil dito, lahat ito ay panloloko. Kasinungalingan, panlilinlang, pagsisikreto, at pandaraya na karapat-dapat ng pagpaparusa.

SILA isang kasamaan.

Ito'y upang sabihin, ang totoong hustisya ay, kahit tumataliwas, nasa kamay ng mga taoong umiiwas sa 'pagkabata'.

Ang pagpapasya ko ay ang sumusunod:

RIAJŪ, Sumabog kanalang