My youth romantic comedy is wrong as I expected v1 Kabanata 1

From Baka-Tsuki
Jump to navigation Jump to search

Kabanata 1: Samakatuwid, si Hachiman Hikigaya ay bulok

Isang ugat ay pumintig kasabay ng kanyang kilay habang si Shizuka Hiratsuka, ang aming guro sa wikang hapones, ay binabasa ang aking sanaysay ng malakas para sa akin. Sa pakikinig dito, nagsimula ko nang maintindihan ang aking husay sa pagsulat, at ito'y mayroon pa ring kakulangan. Kahit pa gumamit ng piling-piling bokabularyo, hindi ito ang uring iyong matatawag na gawa ng isang pantas. Pag tiningnan mo itong maiigi, ito'y parang pawa mga katawatawang saloobin ng isang kubli at maralitang manunulat. Itong bastos na paggamit ng sanaysay ay, tila, ang rason kung bakit ako napatawag rito sa faculty room.

Pero syempre, hindi ito ang dahilan kung bakit. Ito'y akin nang nalalaman.

Pagkatapos niyang magbasa, nilapat niya ang kanyang kamay sa kanyang noo at bumuntong-hininga.

"Sabihin mo nga Hikigaya, naaalala mo ba kung ano ang paksanpara sa sanaysay na ito?"

"...Opo, ang paksa ay "Pagbabalik-tanaw sa Buhay ng Hayskul".

"Talaga, ito nga. Edi bakit ito nagmumukhang ika'y nagsusulat ng isang pagbabanta ng kamatayan? Ano ka, terorista? O baka sakali naman, isang tanga?"

Si Bb.[1] Hiratsuka ay bumuntong-hininga ulit at kinamot ang kanyang ulo sa kainisan.

Ngayon at aking napagiisipisipan, ang paggamit ng salitang "Dalaga" sa "Dalagang Guro" ay nagdadagdag sa sex appeal, nang mas higit sa "Babaeng Guro".

Habang ako'y napangisi sa aking mga iniisip, isang rolyo ng papel ang humampas sa aking ulo.

"Magbigay ka ng pansin!"

"Opo, ma'am."

"Ang iyong mga mata'y nawawalan ng kinang, kagaya ng isang nabubulok na isda."

"Mukha ba talaga silang mayaman sa omega-3? Isa pala akong henyo."

Sa kanyang pagkakagulat, ang kanyang bibig ay bumuka sa parehong dulo.

"Hikigaya, ano ba itong papel na puno pagmamayabang? Bibigyan kita ng isang pagkakataon upang ipaliwanag ang iyong sarili."

Ang tono ng kanyang pananalita, kasama ng isang simangot habang pinanlilisikan niya ako ng kanyang mga mata. Tulad ng inaasahan, kung nanggagaling sa isang gandang tulad niya, ang kabuoan ng kanyang pagtitig kakaiba, sapat upang ako'y lamunin. Katakot-takot.

"Pero, tingnan mo, akin ngang naranasan ang buhay ng hayskul. Halos magkapareho lang ito... Ngayong panahon, ang mga mag-aaral ng hayskul ay mayroon ding kaparehong... Sila'y nakikiramdam, sila'y..."

Ang aking dila ay nakabuhol. Ako'y kinakabahan na sa pakikipag usap pa lamang sa kapwa tao — at isang mas nakakatandang babae pa.

"Karaniwan, aking inaasahan na iyong pagisip-isipan ang iyong sariling karanasan."

"Kung gayon, dapat ay niliwanagan niyo na ito bago niyo sinabi ang paksa. Kung ginawa niyo iyon, makakasunod ako. Edi ikaw ang may kasalana, diba guro?"

"Wag kang umastang matalino sakin, bata."

"Bata? Eh, kung titingnan natin ang pagkakaiba ng ating edad, sa katotohanan, ako nga ay isang bata.

Isang buluwak ng hangin.

Ito pala ay kamao. Isang kamao ang pinakawalan ng hindi manlang gumagalaw. Higit sa lahat, ito ay mahimalang dumaplis lamang sa gilid ng aking pisngi."

"Ang susunod ay hindi na papalya."

Ang kanyang mga mata ay seryoso.

"Ako'y humihingi ng paumanhin. Isusulat ko ito muli."


Translation Notes

First time translating a chapter, wow, translating is actually quite a chore... Anyways, I'll continue when I have time. Some real life stuff going on, sorry about that.

  1. Binibining (Miss)
Back to Prologo Return to Main Page Forward to Kabanata 2