Golden Time Tomo 1 Kabanata 4

From Baka-Tsuki
Jump to navigation Jump to search

Kabanata 4[edit]

Golden Time vol01 150.jpg

Si Tada Banri ay nagiging isang isdang tuna.

Sa kabila ng pagiging gising, hindi niya magawang bumangon, ang kanyang katawan ay nakahilata sa kama at ang kanyang mga mata ay nakadilat, tulad ng isang pusa. Siya ay parang isang isdang tuna na hinila hanggang sa Yaisu… sa kalahating oras na iyon ay si Banri tuluyan na naging isang isdang tuna.

Sa isang pasukan, pasilyo at kusina, kahit na madaling araw pa lamang, ang kadiliman ay nabalot na nang liwanag, na para bang kinalimutan ang gabi. Sa isang madilim na sulok, nakaupo sa isang bangkito, si Banri’y aking pinagmamasdan, isang isdang tuna.

Nakaharap sa dalawang bukas na bintana sa hilagang-kanluran, ang panahon ngayon ay maaliwalas, ang liwanag ng umaga ay kumikinang patungo sa koton na kurtina na kanyang binili sa isang home-center. Pero kasing liwanag habang ito’y nakapalibot sa bintana, ang liwanag ay hindi naabot ang gitna ng kuwarto.

Habang sila’y nagde-desisyon tungkol sa kuwarto na ito, huminto sila sa pagda-dalawang isip ukol sa mga posibilidad. Kung ang lugar na ito ay naging Japanese-style na kuwarto na nakaharap sa timog-kanluran, sa mga oras na ito ay ang mga sulok ng kuwarto na ito ay magiging maliwanag na galing sa sinag ng araw, at siguradong magiging maganda ang aking pakiramdam. Siyempre ang katangiang iyon ay maganda, ako’y nag-iisip kahit ngayon. Pero ang aparador ay masyadong malaki. Ang closet ng kuwartong iyon ay sobrang maliit, at ang mga damit, pajama, mga bag, at kung ano ano pa ay nakakalat.



Kabanata 3 | Main Page | Kabanata 5