Sword Art Online:Tomo 1 Kabanata 7

From Baka-Tsuki
Revision as of 00:47, 21 January 2013 by Blackie (talk | contribs)
Jump to navigation Jump to search

Status: Incomplete

40% completed (estimated)

   

Chapter 7

Ang panahon ngayon ay masyadong maulap at ang kaumagahang hamog na sumasakop sa lungsod na ito ay hindi pa nawawala. Ang araw na sumisikat sa labas ay pinuntarahan ang lungsod na ito na kulay lemon-yellow.

Ayon sa kalendaryo ng Aincrad, ngayon ay «Buwan ng Ash Tree». Ibig-sabihin nito ay lumalapit na ang katapusan ng taglagas. Ang simoy ng hangin ay masarap sa katawan, gawa ngayong buwan na ito ang pinaka malamig na buwan sa buong taon. Pero ngayon, hindi ayos ang pakiramdam ko.

Iniintay ko si Asuna sa gate plaza ng 74th floor kung saan nakatira ang mga ibang tao. Hindi ko alam kung bakit hindi ako makatulog kagabi at ang lahat lang ng ginawa ko sa simple kong kama sa Algade ay mag pagulong-gulong ng paulit-ulit mula sa magkabilang dulo. Konting minuto lang lampas ng three sa umaga ay nagawa ko ring makatulog. Maraming features ang SAO na tumutulong sa mga players ngunit walang button ang tumutolong sa mga player na gustong tumulog ngunit hindi makatulog.

Nakakatawa man, merong kabaliktaran ang button na yon. Sa time related menu, merong isang bagay na tawag ay «Alarm Clock». Ang «Alarm Clock» na ito ay pinipilat ang player na gumising sa gusto nilang oras. Pero kung gusto mo mang bumalik sa pagtulog mo, ang desisyon na ito ay hindi para sayo. Ngunit nag-tagumpay ako na gumising at tumayo sa aking kama nung ginising ako ng system noong 8:50am.

Marahil ang grasya ng mga tamad na players, hindi na kailangan maligo o magpalit ng damit sa SAO - pero maraming tao parin ang naliligo araw-araw. Subrang hirap gayahin ang basang kapaligiran para sa Nerve Gear, kaya hindi ito makapag-gawa ng tunay na perpektong paliguan. Pagkatapos kong gumising malapit sa pinag-usapan naming oras, sinuot ko lahat ng aking mga gamit sa loob ng dalawangpu't na segundo at naglakad palabas ng Algade patungo sa teleport gate. Kahit naiinis ako sa aking pagkakulang ng tulog, inintay ko pa rin siya, ngunit—

"Late sya..."

Ang oras ay 9:10am na. Ang mga masisipag at masigasig na players ay nag simula ng lumabas sa gate patungo sila sa Labirint. Walang magawa, tiningnan ko ang mapa ng labirint at ang completion rate ng aking mga skills, kahit alam ko na lahat ito.

Ahhh...Sana may portable game console ako.

Hindi ako makapagsalita nung pagkatapos kong isipin iyon. Gusto kong maglaro ng laro, habang nasa loob ako ng laro... Lumalala na ako...

Bumalik kaya ako sa pagtulog ko? Nagsimula ulit akong mag-isip. Merong ulit na asul na teleport effect ang lumabas sa gate, hindi ko na alam kung pang-ilan na nyan. Pinanuod ko ng walang gaanong inaasahan. Pero—

"Kyaaaaa! Pasensya na, makikiraan lang—!"

"Ahhhhh!?"

Kadalasan ang mga player na nag teleport ay lumalabas sa lupa na nakatayo, ngunit ang taong ito ay hindi—lumilipad sya sa ere papunta sa akin.

"Huh, huh...!?"

Walang oras para sambutin o ilagan, nagbangaan kami at nahulog namagkasabay sa lupa. Napaumpog ang ulo ko sa matigas na lupa. Kung hindi ito sa loob ng lungsod, mababawasan sana ako ng HP.

Ibigsabihin nito—ang ungas na player na ito ay nag teleport habang tumatakbo at lumabas sa kabilang teleport gate na tumatakbo pa rin. Nag-isip ako gamit ang utak ko. Kahit naliliyo pa ako, tinaas ko ang aking kamay at hinawakan ang player habang sinusubukan kong itulok sya.

"...Hmmm?"

May nahawakan ako bagay ngunit di ako sigurado kung anuman ito. Pinisil ko ito ng dalawang beses, tatlong beses para malaman ko kung ano itong malambot at matalbog na bagay na nasa kamay ko.

"K-Kyaaaaa—!!"

Malakas na sigaw ang napakinig ko habang ang aking ulo ay tumama na naman sa matigas na lupa. Sa sumusunod na oras, nawala ang taong nasa taas ko.

Sa inahan ko, merong babaeng player na nakaupo sa lupa, suot ang pula at puting knight uniform at tuhod-haba na miniskirt, merong silver-white rapier sa kanyang scabbard. Di ko alam kung bakit, nakatingin sa aking gamit ang kanyang naglilisik na mata na punong-puno ng galit para sa akin. Ang muka nya ay pulang-pula uma-abot sa kanyang tainga at ang kanyang kamay ay naka cross sa kanyang dib-did— ...Dib-Dib...?

Nahulaan ko agad kung ano ang nahawakan ko sa aking kanang kamay. Kasabay nito, nalaman ko kung gano kalala at kadilikado ang sitwasyon na ito. Lahat ng dilikadon sitwasyon na pinag-sanayan ko sa ulo ko ay wala. Habang binubuksan at sinasaraduhan ko ang kanang kamay ko, binuksan ko ang aking bibig at nagsalita.

"H-Hey. Magandang-umaga, Asuna"

Ang galit sa kanyang mata ay lalong nag-igi. Ang matang iyon ay talagang pinapakita na gusto nyang higitin ang kanyang espada.

Sinimulan kong maghanap ng daan para makatakas ako habang lumabas ulit yung asul na teleport effect. Tumingin si Asuna sa likuran nya mukang gulat na gulat at tumayo agad sya tapos tumago sa likuran ko.

"Eh...?"

Di ko alam kung bakit, tumayo rin ako. Yung gate ay lumiwanag ulit. Ngayon iton player na ito ay nakatayo sa gitna ng teleport gate at ang dalawa niyang paa ay nasa lupa.

Habang nawala yung liwanag, nakilala ko agad kung sino itong lalaki. Suot ang kanyang puting kapa ng may pulang simbolo. Galing sya sa KoB at meron rin syang dalang espada na punong-puno ng dekorasyon. Siya ang bodyguard ni Asuna na laging nasunod sa kanya katulad kahapo. Di ako sigurado, pero Kuradeel ata ang pangalan nya.

Nagpakita ng galit na mukha si Kuradeel nung nakita nya si Asuna na nakatago sa likuran ko. Hindi naman sa mukhang subrang tanda. Parang mahigit twenty years old lang sya pero ang mga kulubot niya sa mukha ay nagpamukha sa kanya na siya ay matandang lalaki. Kinagat nya ang kanyang ngipin na subrang lakas, na napakinig namin iyon, nagsalita sya habang pinipigilan nyang umapaw ang kanyang galit.

"A...Asuna-sama, hindi ka dapat kumikilos ng sarili mo katulad ng ganito...!"

Narinig ko ang boses niya na parang mag-wawala siya. na-isip ko Magiging komplikado ito. Ang kanyang mata ay nalilisik, nagsalita ulit si Kuradeel.

"Asuna-sama, balik na tayo sa HQ"

"Hindi. Wala naman akong duty ngayon!... At Kuradeel, bakit ka nakatayo sa unahan ng bahay ko kaninang subrang-aga?"

Sumagot si Asuna na nasa likuran ko na galit na galit.

"Fufu, alam kong mangyayari ito kaya sinimulan kong bantayan ang bahay mo sa Salemburg habang isang buwan na ang nakakalipas."

Nagulat ako sa sagot ni Kuradeel. Pati si Asuna, di alam kung anong sasabihin. Pagkatapos ng sandali, nagsalita si Asuna.

"Iyon... Hindi naman iyon parte ng utos ng leader sayo ah"

"Ang trabaho ko ay iyong escort, Asuna-sama. Kasama na pag-babantay ng bahay mo..."

"Anong ibig mong sabihin kasama, ungas!"

Nagsimulang maglakas si Kuradeel papunta sa amin, ang mukha nya ay punong-puno ng galit at pagkainis. Tinulak nya ako at kinuha ang kamay ni Asuna.

"Hindi mo ata naiintindihan. Wag ka naman maging ganito...Tara, balik na tayo sa HQ"

Ang mukha ni Asuna ay punong-puno ng takot nung marinig nya ang boses na parang may tinatagona bagay. Tumingin sya sa akin na parang nag makakaawa na tulungan siya.

Sabihin ko ang katotohanan, di ko alam kung gusto kong tumakbo katulad ng lagi kong ginagawa. Ngunit noong nakita ko ang mga mata ni Asuna, ang kamay ko ay gumalaw mag-isa. Hinawakan ko ang kanang kamay ni Kuradeel, yung kamay na humihigit kay Asuna, pinisil ko ang kamay ni Kuradeel habang iniwasan kong laksan ang pisil para hindi ko ma activate ang crime prevention code.

"Pasensya na, pero hihiramin ko ang sub-captain nyo ngayon."

Sa tainga ko, ang mga salitang ito ay parang salita ng bobo, pero di ko babawiin ang mga sinabi ko. Si Kuradeel na hindi man lang pinapansin ako ay nag gawa ng tunog gamit ang mga ngipin nya habang hinigit nya ang kanyang kamay para mabitawan ko.

"Ikaw...!"




Bumalik sa Kabanata 6 Ugat na Pahina Pumunta sa Kabanata 8