Difference between revisions of "Sword Art Online:Tomo 1 Prologo"

From Baka-Tsuki
Jump to navigation Jump to search
(Created page with "'''Prologo''' Isang malaking kastilyo na gawa sa bato at bakal na lumulutang sa walang-hanggang kalangitan. Iyon lamang ang meron sa mundong ito. Kinailangan lamang ng isan...")
 
m
Line 14: Line 14:
   
 
«Sword Art Online»
 
«Sword Art Online»
  +
  +
<noinclude>{{Nav|{{FULLPAGENAME}}|{{SAO List t1a}}|Sword Art Online Saling Tagalog}}</noinclude>

Revision as of 09:52, 21 August 2012

Prologo

Isang malaking kastilyo na gawa sa bato at bakal na lumulutang sa walang-hanggang kalangitan.

Iyon lamang ang meron sa mundong ito.

Kinailangan lamang ng isang buwan ng isang grupo ng 'craftsman' para masuri ang lugar; ang bantod ng unang palapag ay humigit kumulang 10 kilometro-tama na para magkasya ang buong Setagaya-ku doon. Sa itaas, mayroong 100 palapag na magkakapatong direkta sa ibabaw ng isa't isa; ang sukat nito ay di kapani-paniwala. Imposible din na mahulaan kung gaano karaming datos ang laman nito.

Sa loob, mayroong kaunting malalaking siyudad at di mabilang na maliit na mga bayan at mga nayon, mga gubat at mga kapatagan, maging mga ilog. Tanging isang hagdanan lamang ang nagkakabit sa isang palapag sa susunod, at ang mga hagdanang iyon ay nasa mga 'dungeons' kung saan malaking bilang ng halimaw ang umaaligid, kaya ang mahanap at makapunta roon ay hindi ganung kadali. Ngunit, oras na may isang matagumpay na makarating sa siyudad sa mas mataas na palapag, ang «Teleport Gates» doon at sa ibang siyudad sa mas mababang palapag ay magkukonekta, na nagbibigay laya sa iba na magpalipat lipat sa bawat lebel.

Mula sa ganoong mga kondisyon, ay unti-unti nang nasasakop sa loob ng dalawang taon.

Ang pangalan ng kastilyo ay «Aincrad», ang mundo ng labanan gamit ang mga ispada na patuloy na lumulutang at sumakmal sa humigit-kumulang 6 na libong katao. Na kilala rin bilang..

«Sword Art Online»


[[]|Back]] Return to Main Page